January 13, 2025

Home BALITA National

Presyo ng produktong petrolyo muling magtataas simula Enero 14

Presyo ng produktong petrolyo muling magtataas simula Enero 14
Photo courtesy: Pexels

Epektibo na sa Enero 14, 2025 ang muling dagdag na presyo sa lahat ng produktong petrolyo sa buong bansa. 

Ito na ang ikalawang sunod na oil price hike magmula ng pumasok ang 2025. Sa magkahiwalay na abiso, inanunsyo ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na nakatakda silang magpataw ng karagdagang ₱0.80 kada liter sa gasolina at ₱0.90 naman sa diesel.

Magsisimula ang paggalaw ng presyo ng naturang mga produkto umpisa ng 6:00 umaga ng Martes, Enero 14. 

Matatandaang noong Enero 3 nang unang magtaas ang lahat ng presyo ng produktong petrolyo na ayon sa Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) na nananatili pa rin umanong nakaapekto ang geopolitical risks sa pandaigdigang merkado ng presyo ng langis at gasolina.

National

FPRRD, pinasalamatan buong INC sa 'rally for peace': This is what our country needs in these critical times

KAUGNAY NA BALITA: Unang oil price hike sa 2025, maaaring sumipa sa susunod na linggo