January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Kampo ni Darryl Yap, pinakakansela pagdinig sa kasong isinampa ni Vic Sotto

Kampo ni Darryl Yap, pinakakansela pagdinig sa kasong isinampa ni Vic Sotto
Photo Courtesy: Darryl Yap, Abogado PH (FB)

Naghain umano ang kampo ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap ng Motion for Immediate Consolidation upang kanselahin ang mangyayaring pagdinig sa Enero 15 kaugnay sa isinampang kaso ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Enero 13, sumadya raw ang legal counsel ni Yap na si Atty. Raymond Fortun sa Muntinlupa Regional Trial Court upang isumite ang nasabing mosyon.

Matatandaang pormal na isinampa ng kampo ni Vic ang kasong 19 counts of cyber libel laban kay Yap sa Muntinlupa City Regional Trial Court sa prosecutor's office.

Nakasaad pa umano sa petisyon ni Vic ang pagpapatigil sa pagpapakalat ng anila'y sensitibo at personal na mga detalye tungkol sa una, maging ang pagpapa-take down umano online ng nabanggit na promotional material.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Iniutos naman ng korte na magsumite ang kampo ni Darryl ng verified return of the writ kaugnay nito.

Ngunit giit ni Atty. Fortun, wala pa raw utos ang korte na alisin na ang teaser, at ilalaban pa nila ang karapatan ng direktor kaugnay ng "freedom of artistic expression."

MAKI-BALITA: Korte, wala pa raw utos na itigil pagpapalabas ng 'The Rapists of Pepsi Paloma' teaser