January 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Grade 11 students, lumikha ng automated cleaner ng oil spill

Grade 11 students, lumikha ng automated cleaner ng oil spill
Photo courtesy: screenshot from GMA Integrated News/YT

Dati nang ginagamit ang buhok sa paglilinis ng oil spill, ngunit ito ay mano-mano at hindi ligtas. 

Ayon sa ulat ng “24 Oras” Game Changer segment noong Biyernes, Enero 10, ilang Grade 11 students mula sa Regional Science High School III sa Olongapo City ang bumuo ng automated na sistema para gawing mas epektibo at ligtas ang proseso.

"We decided to create RapunZpill because we wanted to introduce a more efficient and more ecologically friendly solution to clean up oil spills," ani Kyan Dimakiling, isa sa mga developer.

Bagama't kilala na ang paggamit ng buhok ng tao at aso sa pag-absorb ng langis, nais ng mga estudyante na gawing automated ang proseso.

Human-Interest

Pag malinis ang banyo, malinis din sa buong bahay at buhay?

"We decided to create RapunZpill because we wanted to introduce a more efficient and more ecologically friendly solution to clean up oil spills,"  paliwanag ni Samantha Ferido, isa rin sa mga lumikha ng proyekto.

Ayon sa mga developer, tatlong disenyo ang kanilang sinubukan bago makarating sa final na produkto.

“But actually it took us around three designs before we got into that product,” pagbabahagi ni Dominick See.

Ang prototype, na may distance sensor, ay kayang makolekta ang hanggang 92.54% ng langis sa mock tests.

-Mariah Ang