January 14, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Darryl Yap naglatag ng latest orders tungkol sa kaso; huling beses na magsasalita

Darryl Yap naglatag ng latest orders tungkol sa kaso; huling beses na magsasalita
Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Nagbahagi ng ilang latest orders mula sa korte ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap kaugnay sa 19 counts of cyber libel case na inihain laban sa kaniya ni "Eat Bulaga" host Vic Sotto, kaugnay sa teaser ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma."

Bago ang pag-post ng update sa latest court orders, naghain umano ang kampo niya ng Motion for Immediate Consolidation, Lunes, Enero 13, sa Muntinlupa Regional Trial Court upang mapakansela muna ang mangyayaring pagdinig sa Enero 15, sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun.

Sa inilabas na post at screenshot ng court order ay mukhang napagbigyan sila at naiurong ito sa Biyernes, Enero 17.

Nabanggit ng direktor na ito na raw ang huling beses na magsasalita siya tungkol sa kaso dahil lumabas na raw ang gag order tungkol dito.

Pelikula

Salitang 'rapists' tatapyasin ba sa pamagat ng biopic movie ni Pepsi Paloma?

"Posting the latest Order in my case. For the information of the public. I am enjoined from making any further comment," ani Yap sa kaniyang Facebook post.

"Narito po ang pinakabagong tugon sa reklamo laban sa Inyong Lingkod."

"1. Nagkakamali ang Divina Law (ang abogado ng kabila) na may order na ang husgado na i-takedown ang aking promo materials para sa #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PepsiPaloma. Wala pong takedown order."

"2. Ang hearing ay moved na sa Jan. 17. Hintayin ng husgado ang kanilang sagot sa aking Motion for Consolidation."

"3. Meron na pong GAG ORDER sa lahat, di na kami pwede magpahayag tungkol sa merito ng kaso, para di magkaroon ng kaguluhan sa pag-iisip ng tao."

Dagdag pa ng direktor, "Ito na po ang huling pagkakataon na magsasalita ako patungkol sa kaso at naway malinaw po ito sa lahat ng sumusubaybay."

Nagpasalamat si Yap sa kaniyang abogadong si Atty. Fortun sa dulo ng post.

Sa isa pang bukod na post, nilinaw rin ni Yap na hindi totoong babaguhin ang pamagat ng pelikula, bagama't may ilang mga sinehang aalisin ang salitang "rapists" sa mga paskil at ang gagamitin lamang ay "Pepsi Paloma."

Dahil nga wala namang utos ang korte na itigil ang paglalabas ng teasers o ipagbawal ang pagpapalabas ng pelikula, mukhang matutuloy ang pagpapalabas nito sa mga sinehan sa darating na Pebrero.

MAKI-BALITA: Salitang 'rapists' tatapyasin ba sa pamagat ng biopic movie ni Pepsi Paloma?