Sa pagpasok ng taong 2025, ngayong Enero, ay naganap ang malawakang "National Rally for Peace" na dinaluhan ng milyon-milyong miyembro ng "Iglesia Ni Cristo" na ginanap sa 13 lugar sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Enero 13, 2025, nagtipon-tipon ang mga nakaputing miyembro ng INC bitbit ang kani-kanilang placards para ipanawagan ang unity o pagkakaisa sa pamahalaan at magpokus sa kanilang paglilingkod para sa bayan, kagaya rin ng pagkakaisa ng mga miyembro nito sa tuwing may ganitong makasaysayang event.
MAKI-BALITA: Malacañang, umaasang makakatulong 'National Rally for Peace' sa isyu ng bansa
Naglisaw sa lansangan ang iba't ibang mensahe ng kapayapaan at panawagang mababasa sa mga dala-dala nilang placards, na karamihan ay nasa wikang Filipino at kapansin-pansing may tugmaan.
Karamihan sa mensahe ay apela sa pamahalaan na tigilan na ang mga awayan at bangayan at unahin ang kapakanan ng bayan.
Narito ang ilan sa mga mababasang mensahe sa kanilang bitbit na placards:
1. INC is for Unity
2. Magkaisa Huwag Mang-Isa
3. Serbisyo Huwag Sariling Benepisyo
4. Problema'y Lutasin Huwag Palakihin
5. Mamamayan ang Unahin Huwag Sarili
6. Aming Kahilingan Kaunlaran ng Bayan
7. Unahin ang Bayan Huwag Bangayan
8. Peace for the Philippines
9. Magkaisa Para Tumatag ang Bansa
10. Ngayong Bagong Taon, Kapakanan ng Tao ang Isulong
11. Aming Kahilingan Kapayapaan ng Bayan
12. Pagkakasundo Hindi Pagkakagulo
13. INC is for Progress
14. Pagkakaisa Hindi Pamumulitika