January 12, 2025

Home BALITA National

VP Sara, nagsimba sa Pangasinan: ‘Lagi nating pinagdarasal kapayapaan sa ating bayan’

VP Sara, nagsimba sa Pangasinan: ‘Lagi nating pinagdarasal kapayapaan sa ating bayan’
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo, Enero 12, ang naging pagbisita niya sa simbahan ng Co-Cathedral Parish of the Epiphany of our Lord  o Lingayen Church sa Pangasinan.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Duterte na bumisita siya sa Lingayen Church kasabay ng kaniyang pagtungo sa Pangasinan noong nakaraang taon.

“Binisita natin ang isa sa mga makasaysayang simbahan ng Co-Cathedral Parish of the Epiphany of our Lord  o Lingayen Church kasabay ng atong pagbisita sa Pangasinan noong nakaraang taon. Ang simbahang ito ay tanyag rin sa kanyang kakaibang arkitektura,” ani Duterte.

Kasabay nito, sinabi ng bise presidente na lagi raw niyang ipinagdadasal ang kapakanan ng Pilipinas at mga Pilipino.

National

Sen. Francis Tolentino, nagpahayag ng suporta sa 'National Rally for Peace'

“Lagi nating pinagdarasal ang kapayapaan sa ating bayan at kaligtasan ng ating kapwa Pilipino lalo na ang mga naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa,” aniya.

“Bukod sa pag-aalay ng panalangin ay nagsindi rin tayo ng kandila roon.

“Kinamusta rin natin ang ilang mga kababayan natin doon at pinasalamatan ko sila sa kanilang suporta sa atin at sa ating trabaho,” saad pa ni Duterte.