"Baka puwede rin sa Maynila?"
Usap-usap ng mga netizen ang ilang mga larawan ng isang lugar sa Iloilo City dahil wala nang makikitang mga kawad sa itaas na bahagi nito, na tinatawag na "spaghetti wires."
Ibinahagi sa Facebook page na "lyf in iloilo" na naka-tag sa page ng Iloilo City Government ang mga kuhang larawan sa Calle Real kung saan mapapansing wala ngang cable wires na kadalasang nakikita sa itaas na bahagi, at sa madalas na pagkakataon, ay sala-salabid pa o tinatawag ngang "spaghetti wires."
"Spaghetti wires no more! Good job ILOILO! #USWAGILOILO #IloiloCity #ILOILO," mababasa sa caption ng post.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Isa sa malinis na napuntahan ko ang iloilo"
"Neat and clean to look ang iloilo."
"sa Davao ganiyan din..."
"Beautiful! I really miss Iloilo City - the place, the food, the people! If given the opportunity to live in another city, I would choose Iloilo. Very livable and sustainable!"
"Good job!"
"For real, wow!"
Ilang mga netizen pa ang nagsabing sana raw ay magawa rin ito sa Kalakhang Maynila.