January 12, 2025

Home BALITA National

Sen. Francis Tolentino, nagpahayag ng suporta sa 'National Rally for Peace'

Sen. Francis Tolentino, nagpahayag ng suporta sa 'National Rally for Peace'
Photo courtesy: Francis Tolentino and INC news and Updates/Facebook

Nagpahayag ng pagsuporta si Sen. Francis Tolentino sa gagawing National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo sa Lues, Enero 13, 2025.

Sa pamamagitan ng isang official statement, inihayag ng senador kaniya raw suporta sa nasabing kilos-protesta ng INC.

“I express my full support for the Iglesia ni Cristo’s “Rally for Peace” happening tomorrow, January 13, 2025, in Manila,” ani Tolentino.

Giit pa niya, napapanahon daw ang nasabing inisyatibo ng INC na siya raw nagpapaalala sa pagkakaisang kailangan daw ng bansa. 

National

PBBM, nakisimpatya sa mga biktima ng wildfires sa California

“This initiative is a timely and vital reminder of the need for unity dialogue, and harmony amidst the challenges our nation faces,” anang senador.

Dagdag pa niya: “The Rally for Peace reflects the shared desire of Filipinos for understanding and cooperation, transcending divisions for the common good.”

Binati niya rin ang nasabing protesta ng INC na nagtataguyod umano ng payapa at pagkakaisang bansa. 

“I commend the Iglesia ni Cristo for leading this effort and inspiring us all to work together for a more peaceful and united Philippines,” saad ng senador.

BASAHIN: KOJC nagpahayag ng suporta sa 'National Rally for Peace' ng INC