January 12, 2025

Home BALITA

'Pugad ng pamimirata?' Greenhills Shopping Center, nasa US watchlist

'Pugad ng pamimirata?' Greenhills Shopping Center, nasa US watchlist
Photo courtesy: Greenhills Shopping Center/Facebook, USTR/website

Nanatili pa rin sa watchlist ng United States Trade Representatives (USTR) ang Greenhills Shopping Center dahil umano sa pamemeke at pamimirata nito ng ilang lehitimong US brands.

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong Sabado, Enero 11, 2025, nakasama pa rin ang Greenhills SHopping Center sa 2024 Review of Notorious Markets for Counterfeiting and Piracy. Ang naturang shopping center ay matatagpuan sa San Juan City at kilala sa pagtitinda ng mga branded na produkto sa mas murang halaga. 

Matatandaang noong 2022 at 2023 ay nailista na rin sa USTR ang Greenhills Shopping Center at nananatili sa watchlist ng Estados Unidos.

Mula Enero hanggang 2024, nakapagtala ang National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) ng tinatayang $617.8 milyong halaga ng mga nasabat na mga piratang produkto, mas mataas sa $417.4 milyon noong 2023.

National

PBBM, nakisimpatya sa mga biktima ng wildfires sa California

Batay sa ulat ng USTR, nakikipag-ugnayan na raw sila sa gobyerno sa pamamagitan ng NCIPR upang magkaroon daw ng transition ang Greenhills Shopping Center mula sa imahe raw nito na puno ng mga pirated goods.

“The government, through the National Committee on Intellectual Property Rights, has worked with right holders and shopping center management on implementing a transition program to transform Greenhills Shopping Center into a high-end mall with legitimate sellers,” anang USTR. 

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng Greenhills Shopping Center hinggil sa pagkakaugnay nila sa naturang isyu.