January 12, 2025

Home SHOWBIZ

Mark Herras, nag-ala 'Magic Mike' daw sa isang entertainment bar; usap-usapan

Mark Herras, nag-ala 'Magic Mike' daw sa isang entertainment bar; usap-usapan
Photo courtesy: Apollo-World Class Male Entertainment & KTV Bar (FB)/via PEP

Usap-usapan ng mga netizen ang isang kumakalat na ulat na pagsayaw daw ng Kapuso actor-dancer na si Mark Herras sa isang male entertainment bar na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Parañaque City na walking distance lang mula sa simbahan ng Baclaran.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, naganap ang "big night" ni Mark nito lamang Sabado ng madaling-araw, Enero 11.

Makikita sa promotional poster ng bar ang "Gigantic 2025 BIG TIME... BIG STAR" sa kanilang opisyal na Facebook page

Ipinakilala nga ang guest nila nang gabing iyon, at ginamit din ang naging kilalang titulo ni Mark noon pa mang kasagsagan ng "StarStruck." Siya ang tinawag na "Bad Boy of the Dance Floor."

Relasyon at Hiwalayan

Coco, nagsalita na sa pagiging showy niya kay Julia

Mababasa naman sa caption ng post, "A spectacular evening awaits you. The very first male grand winner of Starstruck and the bad boy of the dance floor, MARK HERRAS is gracing Apollo this Friday night!"

"He's up to heat up our stage with his killer moves and not only that, you will also have the chance to be beside him and chit chat with him," dagdag na pang-engganyo pa sa kanilang mga parukyano. 

Kasabayan niya noon sina Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, at Jennylyn Mercado na siya namang hinirang na Ultimate Survivor at naging katambal pa niya.

Mabalik kay Mark, first time daw niyang makatuntong sa nabanggit na bar at naloka raw ang mga manonood nang mapanood ang pagsasayaw ng Kapuso actor-dancer na inihalintulad sa "Magic Mike" ni Channing Tatum, pero medyo wholesome pa naman.

May kasamang male back-up dancers si Mark nang sumayaw siya.

Isang babae naman sinayawan ni Mark habang nakaupo sa isang silya sa gitna ng entablado. Makikitang tila nawindang naman ang babae sa pagsayaw sa kaniya ni Mark habang naka

Batay sa Facebook page ng bar ay mukhang may isa pang show sa kanila si Mark sa darating na Enero 31.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Bagama't walang masama sa trabahong ito at lehitimo naman, hindi pa rin maiwasan ng mga netizen na mapatanong kung ano na bang nangyari sa career ni Mark sa GMA at pinasok na rin niya ang ganitong raket.

Naisip naman ng iba na marahil ay kailangan niya talagang kumita dahil magdadalawa na ang anak nila ng partner na si Nicole Donesa.

Wala raw itong kinaiba sa ilang celebrities na nagpe-perform sa Japan at pumapayag daw na magpa-table.

Kaya lang, mas mahal daw ang bayad sa mga ganito sa Japan, hindi kagaya rito sa Pilipinas, na nakuwestyon pang 500 ang presyo ng entrance fee para mapanood ang performance ni Mark.

Narito naman ang ilan sa mga kuda ng netizens na mababasa sa comment section ng ulat ng PEP.

"At least legal ang knyang gingawa for the family grabe nman ksi ang GMA prang pnag etchepuera na C Mark versatile actor nman cia"

"He went thru a lot in his life.... Hindi sya sumuko sa buhay. Para sa mga bashers na ang alam lang eh kumuda ng kumuda hayyy nako. Naghahanap buhay yung tao para sa pamilya niya. Buti nga buhay pa yan sa lahat ng pinagdaanan nya di siya sumuko. Kudos Mark! Sana makabangon kang muli!"

"Walang Mali dun! He's working for his family!!!"

"Who cares kung nag perform sya sa bar. Matino parin namang trabaho yan. Kisa sa mag nakaw at mang scam sya.may pamilya na binubuhay so natural lang na mag hanap ng paraan yan para kumita.lalo na kung pag sasayaw naman talaga ang trabaho nya ever since!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Mark tungkol dito.