January 12, 2025

Home BALITA National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?
Photo courtesy: Manibela and INC news and Updates/Facebook

Inihayag ng grupong Manibela na nakatakda silang magkasa ng kilos-protesta sa Lunes, Enero 13, 2025.

Sa kanilang opisyal Facebook page, inihayag nila ang kanilang transport strike kaugnay pa rin sa kanilang panawagan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) na ibalik ang kanilanglimang taong prangkisa.

“Ang Transport Group na Manibela ay mag sasagawa ng kilos protesta sa harapan ng LTO at LTFRB ngayong January 13, 2025 sa ganap na ika 8 ng umaga para kondenahin ang inilabas na LTFRB MC 2024-043 na kung saan ang pwede lang ma extend ay mga napiltang magpa consolidate at mga natakot lamang,” anang Manibela.

Giit pa ng Manibela: “Nanatiling bingi ang DOTR at LTFRB sa ating mga panawagan na ma extend ang ating mga prangkisa at registro upang patuloy na maka byahe ang aming hanay at makapag serbisyo sa mananakay, ang taong bayan.”

National

‘Di para sa kapayapaan?’ Peace rally ng INC, layon lang protektahan si VP Sara — Castro

Kasama rin sa panawagan ng naturang grupo ang patuloy daw na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na mas lalo pa raw nagpapahirap sa kanilang hanap-buhay.

“Pangalawa dito ang pag sirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na lalong magpapabigat ng pasanin sa aming paghahanap buhay na mapupunta na lamang ang kita sa mga dambuhalang kumpanya ng langis!” saad ng Manibela.

Kasabay ng transport strike ng Manibela ang malawakang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) na isasagawa naman sa Quirino Grandstand upang ipakita naman daw ang kanilang suporta sa tindig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa impeachment cases ni Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Malacañang, sinuspinde klase, gov't work sa Maynila, Pasay sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC