Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi tungkol sa “peace and unity” ang isasagawang “National Peace Rally” ng Iglesia ni Cristo (INC) bagkus ay layon lamang umanong protektahan si Vice President Sara Duterte mula sa pagsagot sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya.
"This rally is not about peace and unity. It's a calculated move to protect Vice President Duterte from answering serious allegations about her misuse of confidential funds and her accountability for the deteriorating quality of education in our country," ani Castro sa isang pahayag nitong Linggo, Enero 12.
"The Filipino people deserve answers about the unexplained use of confidential funds. As a former education secretary, VP Duterte must also answer for the alarming decline in our students' performance in international assessments for math, English, and science during her watch," dagdag niya.
Binanggit din ng teacher-solon ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan kung saan 41% daw ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment complaints laban kay Duterte.
MAKI-BALITA: 41% ng mga Pinoy, suportado ang pagpapatalsik kay VP Sara – SWS
"Walang rally ang makapagbubura sa katotohanang dapat managot ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mga ginawa,” saad ni Castro.
“Ang milyong Pilipinong sumusuporta sa impeachment ay humihingi ng hustisya at pananagutan, hindi political theatrics.”
Matatandaang kasama si Castro sa Makabayan Bloc na nag-endorso sa ikalawa sa tatlong impeachment complaints na nakahain ngayon sa Kamara laban sa bise presidente.
Samantala, nakatakdang isagawa ng INC ang kanilang National Peace Rally sa Lunes, Enero 13, kung saan layon umano nitong pagbuklurin ang mga Pilipino at manawagan ng “peace and unity” sa bansa.
Bahagi rin daw ng naturang rally ang pagpapaabot ng suporta ng INC sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “waste of time” lamang ang pagpapatalsik kay Duterte sa puwesto.
MAKI-BALITA: INC, naghahanda ng rally para tutulan impeachment complaints laban kay VP Sara
MAKI-BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara