Nagbahagi si Kapamilya Primetime King Coco Martin ng ilang detalye tungkol sa unang gay film na pinagbidahan niya noong 2004 na pinamagatang “Masahista” at idinirek ni award-winning director Brillante Mendoza.
Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Enero 12, inamin ni Coco na konserbatibo raw siya dahil lumaki siya sa aruga ng kaniyang lola.
“‘Pag ina-analyze ko ngayon, hindi ko ma-realize na kung tutuusin ako ‘yong pinakamahirap ang pinagdaanan. Kasi biruin mo, first movie ko gay film,” lahad ni Coco.
Dagdag pa niya, “No’ng natapos namin ‘yong pelikula, no’ng may love scene na kami ni Kuya Allan Paule, kailangan ko nang maghubad. E, conservative ako. Laki ako sa lola ko.”
Dahil dito, hindi raw naiwasang mag-alala ni Coco sa posibleng isipin ng mga malalapit na tao sa kaniya.
“Sabi ko, pa’no ko gagawin ‘to? Siyempre, iniisip mo pamilya mo, ‘yong lola ko, mga kaibigan, papakita ka ng puwet,” aniya.
Pero sa huli, sinunod na lang ni Coco ang naaayon sa hinihingi ng pelikula at inisip na ginagawa niya ito para sa pelikula.
Matatandaang sa isang panayam noong Nobyembre 2024 ay ibinahagi naman ni Coco ang naging negatibong epekto sa kaniya ng pagganap sa mga indie gay film.
MAKI-BALITA: 'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN