January 11, 2025

Home BALITA National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD
Photo courtesy: DSWD/website

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado, Enero 11, 2025 na pumalo na raw sa 300,000 Pilipino ang naabot ng "Walang Gutom Food Stamp Program," magmula noong 2024.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Panay, layunin daw ng nasabing programa na matulungan ang tinatayang isang milyong Pilipino na nasa kategorya ng "food poor."

"We’re scaling it up, last year we already on-boarded 300,000 out of the one-million target so tuloy-tuloy iyon," ani Punay.

Matatandaang nagsimula ang naturang programa noong 2023 sa pamamagitan ng electronic transfer card na nabibigyan ng tinatayang ₱3,000 food credits kada buwan, para sa mga Pilipinong pasok sa nasabing klasipikasyon bilang "food-poor."

National

Babala ng Phivolcs: Bulkang Kanlaon, posibleng muling pumutok

Dagdag pa ni Punay: “Target noon is to address involuntary hunger talaga, iyong mga kababayan nating mahihirap, pinakamahihirap na hindi kumakain nang sapat sa isang araw – ibig sabihin, kumakain once or twice a day lang, hindi kumpleto iyong kanilang pagkain."

Iginiit din ni Punay, na target din ng ahensya na mabigyan ng Walang Gutom Program ang tinatayang 400,000 pamilyang Pilipino hanggang sa umabot daw ito ng isang milyon hanggang 2027.