January 11, 2025

Home BALITA National

Sa gitna ng paparating na rally: INC, walang pinapanigan kina PBBM, VP Sara — Marcoleta

Sa gitna ng paparating na rally: INC, walang pinapanigan kina PBBM, VP Sara — Marcoleta
(file photo)

Iginiit ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta na walang pinapanigan ang Iglesia Ni Cristo (INC) kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa gitna ng paparating nitong “National Peace Rally” sa darating na Lunes, Enero 13.

Sa isang panayam ng programang “At The Forefront” ng Bilyonaryo News Channel nitong Biyernes, Enero 10, sinabi ni Marcoleta na nais ng INC na magtulungan sina Marcos at Duterte bilang top officials ng bansa.

“The INC does not take sides. That is a categorical answer. The INC would like to see people like the Vice President and President to work together. That is the essence of good government,” ani Marcoleta.

"The INC believes that peace can only be achieved by uniting our people, and this unity can be best demonstrated by our leaders,” saad pa niya.

National

Bam Aquino, nagpasalamat sa suporta ni ex-VP Leni: ‘Tuloy ang laban!’

Dadalo raw si Marcoleta sa naturang peace rally bilang bahagi ng INC.

Matatandaang kamakailan lamang nang ianunsyo ng INC na magsasagawa sila ng malawakang peace rally upang pagbuklurin umano ang mga Pilipino at manawagan ng “peace and unity” sa bansa. 

Bahagi rin umano ng naturang rally ang pagpapaabot ng suporta ng INC sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “waste of time” lamang ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte sa puwesto.

Habang isinusulat ito’y tatlong impeachment complaints ang nakahain sa Kamara laban kay Duterte.

MAKI-BALITA: INC, naghahanda ng rally para tutulan impeachment complaints laban kay VP Sara

MAKI-BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara

Kaugnay nito, inanunsyo ng Malacañang nito ring Biyernes ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa Lungsod ng Maynila at Pasay City sa Lunes dahil sa National Peace Rally ng INC.

MAKI-BALITA: Malacañang, sinuspinde klase, gov't work sa Maynila, Pasay sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nagsuspinde rin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng face-to-face classes sa public day care hanggang senior high school, kasama Alternative Learning System (ALS), at maging ang trabaho sa gobyerno sa lungsod sa Lunes bilang pakikiisa raw sa naturang rally ng relihiyon.