Usap-usapan ng mga netizen ang ibinahaging pahayag ni Dra. Camille Garcia, isa sa mga "Trio Tagapayo" o adviser sa mga dumudulog na mga may problema sa tinaguriang barangay hall on TV na "Face To Face Harapan" na hino-host ng batikang broadcast-journalist na si Korina Sanchez-Roxas.
Sa quote card kasing ibinahagi ng TV5 sa kanilang opisyal na Facebook page noong Enero 7, mababasa ang naging pahayag ni Dra. Garcia patungkol sa banyo ng isang bahay.
Aniya, malalaman daw kung malinis ang bahay at ang mga nakatira dito kung malinis din ang banyo o comfort room.
"Paano mo malalaman na malinis ang isang bahay? Tignan mo ang banyo," mababasa sa art card.
"Ang banyong malinis, ang ibig sabihin, malinis 'yong bahay. Malinis 'yong mga nakatira doon."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, sa comment section ng post.
"Totoo ito pgpasok ko ng banyo at my mkita ako konti buhok sa floor or talsik syempri my lalaki tyo n ksma my talsik minsan tps un lababo un faucet my talsik n toothpaste nku lilinisin ko agad yn ayw ko n ng mdumi un banyo.ay my little white towel ako s gilid pngpunas ko pgmynkita ako n basa ang sink."
"Pag bumisita ka, bisitahin mo ang may bahay hindi bahay. Pag malinis naman ang tao binisita mo (physical at puso niya) huwag ka nang makialam sa bahay niya. Do not judge kung ano bahay niya eh, ganun na siya. Malaki bahay mo, Madam, may katulong ka kaya manatili malinis bahay mo. Eh, yong may bahay palaging busy, maaga papasok, gabii na nauwi, pagod, walang katulong. Sabado't linggo wala na naman sa bahay eh, di ganun ang bahay. Huwag mo ng pakiaalaman ang bahay, Mam!"
"Kailangan maglinis for hygiene at safety reasons at for mental health. Pero mag ingat din sa Mga panlinis Baka malanghap ang chemicals saka Kung pagod Ka na wag ma stress maglinis. Baka mas mapagastos pang ospital. Chill mas maraming mas importante tulad Ng Mga anak."
"For me pag biglaan pag bisita sa bahay nila dum mo malalaman if legit tlga malinis kasi oag expected guest ka pinaghandaan na nilang linisin"
"Yup. Most restaurants in the Philippines have nasty bathrooms. Now we rarely eat out because of that. Who knows if they even wash their hands before prepping our food."
"To be honest Sa bahay always malinis cr namin ,May nag Sabi nga cr daw namin pwd tologan heheh isa pa ayaw ko makalat bahay , ayaw ko marami abobot gusto ko maaliwalas bahay lage "
"I so believe in this! I always want our banyo na malinis and encourage my children to do the same."
"Kahit malinis ka kung m kasama kang burara ktatapus mo lng maglinis paglingon mo m kalat na nman di ba tay totz and mesai at m time din talaga na wala kang gana maglinis lalo na Cr pag walang gana maligo wla din linis ang sahig ang toilet after ko gumamit sabay linis ayoko m amoy."
"Don't judge people. Kapag bumisita tayo sa bahay ng iba, wala tayong pakialam sa kung ano ang dadatnan natin. Kasi nga bumisita lang tayo. Ang pakialaman natin at sure na may magagawa tayo, ang mga CR ng bahay o tinutuluyan natin."
Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 9.9k reactions, 4.3k shares, at 1.7k comments ang nabanggit na post.
Ikaw Ka-Balita, anong masasabi mo tungkol dito?