Mayorya sa mga netizen ang naniniwalang karapat-dapat nang mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN upang mapanood na ulit ang mga palabas nito sa free TV.
Sa segment na "BALITAktakan" ng Balita, tinanong ang mga netizen kung sa tingin nila, napapanahon na bang ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN, ngayong 2025.
May dalawang opsyon lamang ang mga netizen sa pagpili: pagpindot sa "Heart" kung Oo at "Angry" naman kung Hindi.
Sa halos 1,045 reactions as of January 11, 2025 at habang isinusulat ang balitang ito, 681 ang pumindot ng heart reaction o "Oo" at 204 naman ang angry reaction o "Hindi."
May pumindot naman sa like reaction (113), laugh reaction (42), hug reaction (3), at cry reaction (2).
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens batay sa comment section.
"ABSOLUTELY YES"
"Bayad muna"
"Pwede naman para Hindi na sila nangungupahan pero Yung MGA dapat bayaran SA gobyerno i-settle.muna."
"No because bias po."
"100% yes"
"It is a big YES! 101%"
"Once more chance to ABS-CBN"
"Yes.,Agree para sa nawalan ng trabaho.,at mabawasan na ang mga walang trabaho sa Bansa natin."
"Ok lang.pero sana ayusin nila yung mga violation."
"Oo pero malabo na nila mabalikan ang Frequency na CHANNEL 2. pag mamay ari na ng Pamilyang Villar."
"Oo naman dapat pa bang i memorize yan"
"Kailangan pa bang i-memorize yan?"
"Lahat tayo.gusto.maibalik.ang ABS. kaya.lang sumunod sa.batas at magcomply bakit napasara. Nuon pa nmn sana eh."
Nag-ugat ito nang maghain ng House Bill No. 11252 noong Enero 7, 2025. si Albay Representative Joey Salceda upang ma-grant ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN Corporation, na napaso noong 2020 matapos hindi pagbigyan ng Committee on Legislative Franchises sa Kamara, sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang opisyal na pahayag ng Kapamilya Network, bagama't hindi raw nila alam ang tungkol sa balak ni Salceda ay nagpapasalamat sila sa kaniya, gayundin sa iba pang mga mambabatas na nauna nang naghain ng panukalang-batas para mabigyan ulit sila ng panibagong prangkisa.
MAKI-BALITA: Albay Rep. Salceda, naghain ng bill para maibalik ABS-CBN franchise
MAKI-BALITA: ABS-CBN unaware sa inihaing house bill, pero nagpasalamat kay Salceda