January 11, 2025

Home BALITA National

Makakalaban sana ni Romualdez bilang kongresista, ‘disqualified’ sa eleksyon – Comelec

Makakalaban sana ni Romualdez bilang kongresista, ‘disqualified’ sa eleksyon – Comelec
House Speaker Martin Romualdez (MB file photo)

Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia na “disqualified” sa darating na eleksyon ang makakalaban sana ni House Speaker Martin Romualdez bilang Leyte first district representative dahil hindi raw ito rehistradong botante ng Tacloban.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Garcia na ibinasura ng Election Registration Board (ERB) at ng mga korte ang registration ni Romilda Bacale, ang tatakbo sana bilang kongresista ng unang distrito ng Leyte.

“Hindi po siya registered voter ng Tacloban. Lumipat po siya from Sampaloc,” ani Garcia na inulat ng ABS-CBN News. 

“Denied ng ERB at ng Courts. Naging final and executory ang decision po sa kaniya,” dagdag pa niya.

National

Sa gitna ng paparating na rally: INC, walang pinapanigan kina PBBM, VP Sara — Marcoleta

Sinabi ito ni Garcia matapos ang mga naging pagkuwestiyon sa social media kung bakit hindi nakasama ang pangalan ni Bacale sa balota para sa pagka-kongresista sa naturang distrito.

Dahil dito, walang makakalaban si Romualdez sa nasabing puwesto sa darating na May 2025 midterm elections.