Nagpahayag ng suporta ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para sa ikakasang “National Rally for Peace” ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na Lunes, Enero 13, 2025.
Sa pamamagitan ng kanilang opisyal na website, inihayag ang pagsuporta raw ng kanilang lider at pastor na si Apollo Quiboloy maging ang kanila raw buong samahan.
“Pastor Apollo C. Quiboloy and the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) are praying and imploring the guidance of Almighty God for the massive INC rally at Quirino Grandstand and similar rallies across the nation attended by millions of their membership, and other civil and religious groups and organizations,” anang KOJC.
Ipagdarasal daw ng KOJC ang ang kalinawan daw para sa kapayapaan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
“KOJC prays for the enlightenment and discernment of peace and unity of the Filipino nation,” saad ng KOJC.
Dagdag pa nito: “Be awakened that righteousness, and righteous leaders will finally lead this nation to progress, peace, prosperity and stability especially in times of its darkest hour.”
Matatandaang bago matapos ang 2024 nang ihayag ng INC ang ikakasa raw nilang malawakang protesta upang ipakita raw ang pagsuporta nila sa disposisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na siyang tutol umano na magkaroon ng impeachment trial si Vice President Sara Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara