January 11, 2025

Home BALITA National

DOH, itinanggi kumakalat na ginagamit HIV-contaminated needles sa blood sugar tests

DOH, itinanggi kumakalat na ginagamit HIV-contaminated needles sa blood sugar tests
Courtesy: Department of Health/FB

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon umanong nagpapanggap na miyembro ng Faculty of Medicine na nagbabahay-bahay upang mag-blood sugar test gamit ang karayom na kontaminado ng human immunodeficiency virus (HIV).

Sa isang pahayag nitong Sabado, Enero 11, nilakip ng DOH ang isang mensaheng kumakalat sa social media na nagsasabing mula umano sa national intelligence sa ilalim ng Office of the President (OP) ang babalang huwag maniniwala sa indibidwal na bibisita sa bawat bahay upang tingnan ang blood sugar ng bawat miyembro ng pamilya, ngunit gagamit daw ng HIV-contaminated na karayom.

“‘Yan kasi ang pinakamadaling paraan para ma-inject sa katawan ng tao ang nakakamatay na AIDS virus,” nakasaad pa sa mensahe na pinabulaanan ng DOH.

Paglilinaw ng ahensya, hindi totoo ang naturang kumakalat na mensahe.

National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

“The Department of Health (DOH) warns the public on a circulating message on social media falsely claiming to be a member of the Faculty of Medicine visiting houses for a blood sugar test. The post claims that the needles used to inject are allegedly contaminated with HIV,” anang DOH.

“The Philippine National Police has also debunked this message, confirming that it is a scare tactic with no factual basis,” dagdag nito.

Hinikayat din ng ahensya ang publikong huwag magbahagi ng mga hindi pa nabeberipikang impormasyon na maaari umanong magdulot ng pangamba sa tao.

“The public is enjoined to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department, which can be accessed through the links and social media handles below,” saad ng DOH.