Kinumpirma ng Chinese Foreign Ministry ang pakikipag-ugnayan nila sa World Health Organization (WHO) kasunod umano ng pagtaas ng respiratory diseases sa kanilang bansa.
Bagama't tumataas daw ang kaso ng human metapneumovirus (HMPV) sa China, iginiit ng nasabing bansa na hindi na raw ito bagong virus na nakakaapekto sa kalusugan ng kanilang mamamayan.
Batay umano sa datos ng China's Center For Disease Control and Prevention (CDC), nananaitling nasa "high levels" ang bilang ng kaso ng HMPV sa gawing northern hemisphere ng kanilang bansa.
"HMPV infections manifest itself as a self-limiting disease," anang Chinese Foreign Ministry Spokesperson na si Guo Jiakun sa isang press conference.
Dagdag pa niya: "It is alarmist to exaggerate common viruses as unknown viruses, which goes against scientific common sense."
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang HMPVB ay maaaring magsanhi ng upper at lower diseases na maaaring tumama sa bata at matatanda. Una raw itong nadiskubre noong 2001, na kalimitang may sintomas katulad ng lagnat, sipon, at kahirapan sa paghinga.