Naging tradisyon na para sa mga Katoliko ang Traslacion, o ang pagprusisyon ng imahen ng Poong Hesus Nazareno mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Ngayong taon na lang, umabot sa 20 oras, 45 minuto, at 4 segundo ang prusisyon, 4:41 ng madaling araw nitong Enero 9, 2025, hanggang 1:26 ng madaling araw nitong Enero 10, 2025.
Ngunit sa pagdaan ng mga taon ng pagsasagawa ng Traslacion na dinadaluhan ng milyun-milyong mga deboto, anong taon nga ba may pinakamahabang prusisyon at ano ang pinakamaikli?
Narito ang oras na inabot ng Traslacion mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.
2016 (Mahigit 20 oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 6:00 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 2:02 AM ng Enero 10
2017 (Mahigit 22 oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 5:28 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 3:10 AM ng Enero 10
2018 (22 oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 5:00 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 3:30 AM ng Enero 10
2019 (21 oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 5:03 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 2:21 AM ng Enero 10
2020 (16 na oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 4:13 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 8:49 PM ng Enero 9
2021 hanggang 2023 (kanselado dahil sa Covid-19 pandemic)
2024 (Halos 15 oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 4:45 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 7:44 PM ng Enero 9
2025 (Halos 21 oras)
Pag-alis sa Quirino Grandstand – 4:41 AM ng Enero 9
Pagdating sa Quiapo Church – 1:26 AM ng Enero 10