January 11, 2025

Home FEATURES Trending

Babaeng pumasa sa board exam, nilista jowa sa aattend ng oath taking kaysa sa sariling ama

Babaeng pumasa sa board exam, nilista jowa sa aattend ng oath taking kaysa sa sariling ama
screenshot from TikTok, MB file photo

Pinag-uusapan ngayon online ang kuwento ng isang netizen tungkol sa ate niyang nakapasa sa board examination, dahil imbis na sariling magulang ang ilagay sa listahan ng dadalo sa oath taking, boyfriend nito ang inilagay. 

Sa online community na Reddit, kumalat ang screenshot ng isang TikTok video kung saan nakalagay dito ang hinaing ng isang netizen sa kaniyang ate. Hinanap ng BALITA ang orihinal na post at nakitang umabot na sa mahigit isang milyon ang views nito. 

Mapapanood sa naturang TikTok post ang video ng isang tatay na napapasayaw sa tuwa. Ayon sa uploader, ganoon daw kasaya ang tatay niya nang malamang pumasa sa board exam ang ate niya. 

"This is how happy my tatay after my 'ate' passed the board exam. He even suggested to make a tarpauling or two (dito sa amin at sa side ni tatay ilalagay)," saad ng uploader.

Trending

Pinay, pinahiya ng mister na Kano sa socmed; nakikipagdiborsyo raw palibhasa may green card na?

Matapos nito, ikinuwento niya na isa lang daw ang puwedeng ilagay sa listahan ng pupunta sa oath taking. At ang nilista raw ng ate niya ay ang boyfriend nito—dahilan kung bakit nag-iiyak ang tatay nila. 

"Isa lang puwede ilaagay sa list ng pupunta sa oath taking and then nilista ni ate bf [boyfriend] niya. That's why my tatay literally cry the whole night. I remember he's so excited pa naman kasi sabi niya, 'susuotin ko 'yung sapatos ko galing abroad para maayos ako tingnan.' He expected na siya ililista kasi mula elementary hanggang collerge graduation niya, si tatay ang pumupunta," kuwento ng uploader. 

screenshot from TikTok

Sa susunod na update ng uploader, nilinaw niya ang ilang mga komento ng netizens tungkol sa tatay niya. 

Aniya, hindi raw masama ugali ng tatay niya para hindi raw ilista. Naibibigay daw nito ang pangangailangan nila kahit sa junkshop daw ang trabaho nito at ng nanay nila. 

"Hindi masama ugali ni tatay para hindi niya ilista, naipo-provide niya lahat ng needs namin kahit sa junkshop ang trabaho nila ni nanay. Hindi rin boyfriend ni ate nagpaaral sa kaniya, late lang siya tumulong sa review ni ate. Saka lang siya tumulong noong binigyan na ni tatay ng trabaho boyfriend niya, basta ang sabi ni ate siya [boyfriend] raw ang tumulong sa kaniya no'ng nagre-review siya kaya siya ang nilista niya," saad ng uploader.

screenshot from TikTok

"Pero never niya inisip lahat ng naitulong na rin ni tatay, kapag sinabi na ni tatay na siya ang nagpaaral sa kaniya parang panunumbat na sa mata ng mga taong iyon. Kaya inoff ko na lang muna yung comment section. Bineblame nila kay tatay kung bakit naging desisyon ni ate, but wala naman siyang ginawang masama para maging ganyan si ate.

screenshot from TikTok

"Binlock kaming lahat ni ate lalo na si nanay, sabi kasi ni ate boyfriend niya tumulong sa kaniya kaya siya nilista niya. My nanay said sila ang nagpaaral sa kaniya, sabay block. Umiyak si tatay, ichinat ng bunso namin na umiiyak si tatay pero wala siyang pake kaya binlock niya rin. January 11 na ang oath taking niya, ilang beses ko kino-convince sila nanay na pumunta kahit sa labas na lang kami maghintay, pero masyado silang nasaktan kaya ayaw na talaga nila pumunta. 

screenshot from TikTok

"Hindi ko ineexpect na dadami ang views at likes ng video, kaya ko rin tinurn off [comment section] iyon kasi may awa pa ako kay ate. I hope y'all understand, sana hindi niyo sisihin ang tatay ko kasi he's the sweetest tatay ever! Ilang gabi niya 'to iniiyakan at bukambibig dati kasi sobrang excited siya, pero ngayon hihintayin na lang namin na may kailangan siya kila tatay kasi kahit anong nagawa ni ate palagi pa rin nilang pinapatawad. Thank you guys for all your concerns for my tatay." 

screenshot from TikTok

Umani ng mga reaksyon ang naturang TikTok posts. 

"hindi lahat ng panunumbat masama. Generation ngayon, kapag naremind ng mga itinulong sa kanila feeling api na agad."

"The nerve na ilista nya bf nya without any assurance kung hindi sya iiwan non, and knowing na yung tatay nyo lagi nakasupport sa inyo mula umpisa. Nakakalungkot lang malaman na ginanon nya tatay nyo:<"

"bawi na lang sa oath taking mo pooo I’ll pray for that"

"My boyfriend wouldn't even accept doing this to my parents. Siya pa ang unang aayaw at magsasabing dapat magulang ko ang aakyat."

"sa pagkakaalam ko pwede nmn 2 umaten ng oathtaking..bale 3 ticket ang babayaran kasama ang mag o oathtaking..2 beses akong umaten ng oathtaking ng anak ko at may mga umaten na 2 magulang."

"father was there for everything before her boyfriend. she's a bit shtty"

"kahit hindi obligasyon na ibalik ang ginawa ng parents sa atin, at least we should appreciate them at papuntahin sa stage man langfor her ate, I hope mag tagal po kayo ng bf mo and not regret this"

"SOME people should start realizing how loved they are kapag ganito trumato mga magulang nila."

"someday pag kau naman po mag oath taking I know you'll have your papa by your side and you'll make him proud and happy."

"literal na nakakabulag ang pagmamahal na ni kahit magulang mo ay hindi mo maisip dahil nasa isip mo ay yung boyfriend/girlfriend mo :( i hope tatay is doing well today"