January 11, 2025

Home BALITA Eleksyon

ALAMIN: Mga dapat malaman sa pagsisimula ng 'election period'

ALAMIN: Mga dapat malaman sa pagsisimula ng 'election period'
Photo courtesy: Manila Bulletin/Facebook

Magsisimula na sa Enero 12, 2025 ang “Election Period” na tatagal hanggang sa Hunyo 11. 

Ang election period ay ang pagpapatupad nang mas mahigpit na seguridad sa buong bansa para sa hudyat ng papalapit na eleksyon, partikular na sa pagpapatupad ng malawakang check-points at gun ban sa iba’t ibang panig Pilipinas. 

Ang pagpapatupad ng election period ay nakabatay sa Resolution No. 10999 na siyang naglalaman ng calendar of activities ng Commission on Election (Comelec) na naka-angkla sa darating na eleksyon sa Mayo 12 para sa National at Local Elections (NLE) at BARMM Parliamentary Elections. 

Kaugnay ng implementasyon ng election period, narito ang ilan sa mga alituntuning ipagbabawal sa pagsisimula nito: 

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

Hindi awtorisadong pagdadala ng mga armas at baril (Gun ban)

Batay sa naturang resolusyon ng Comelec, mahigpit na ipinagbabawal nito ang anumang pagdadala ang anumang baril o mga nakamamatay na armas, maliban nilang kung ito ay may pahintulot mula sa Komisyon. 

Sino-sino ang maaaring exempted sa gun ban? 

Maaaring maglabas ng certificate of authority ang Comelec sa mga indibidwal kung sila ay:

  • Miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at law enforcement department ng pamahalaan.
  • Security personnel ng mga foreign diplomats
  • Security agencies
  • Cashiers at disbursing officers ng mga pribadong korporasyon at kompanya
  • High-risk individuals

Pagkakaroon ng Comelec checkpoints

Magkakaroon ng isang Comelec checkpoints sa bawat munisipalidad na siyang pangungunahan ng PNP o AFP.

Kaugnay nito, mariing namang iginiit ng Comelec na tanging "visual search" lamang ang maaaring isagawa sa bawat checkpoints. Mahigpit din umanong kinokondena ng Comelec ang mga awtoridad na sosobra sa pagpapatupad ng nito katulad na lamang ng pagbabawal sa pangangapkap sa sakay ng isang sasakyan at pagpapababa sa mga sakay nito upang maghalughog. 

Narito pa ang ilan sa mga tagubilin ng election code batay sa Republic Act 7166 at RA 8189:

  • Use of security personnel or bodyguards by candidate, unless granted permission by the Comelec.
  • Alteration of territory of a precinct or creation of a new precinct.
  • Transfer or detail of officers and employees in the civil service, unless approved by the Comelec.
  • Organization or maintenance of reaction forces, strike forces, or similar forces.
  • Suspension of elective provincial, city, municipal, or barangay officer that was not approved in advance by the Comelec.