January 10, 2025

Home FEATURES Human-Interest

UP Open University, magbibigay ng libreng online courses

UP Open University, magbibigay ng libreng online courses
Photo Courtesy: Freepik, UP (FB)

Nais mo bang magkaroon ng bagong matututuhan ngayong 2025?

Magbibigay ang University of the Philippines Open University (UPOU) ng 44 na libreng massive open online courses (MOOCs) na saklaw ang iba’t ibang interesanteng paksa.

Sa Facebook post ng UPOU noong Huwebes, Enero 9, makikita kung ano-anong kurso ang mga maaaring aralin ng sinomang interesadong aplikante.

“From interesting topics such as “Identifying Red Flags,” to courses that can unleash your “Creativity and Innovation,” help you discover “What Makes an Entrepreneur?” and even trending topics like Artificial Intelligence and Gender Sensitivity—whatever your interests, we’ve got something just for you!” saad sa caption.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Ang Pista ng Poong Nazareno noon at ngayon

Ang aplikanteng makakakompleto ng mga kurso ay makakatanggap ng e-certificate na maaaring ilagay sa resume bilang 16-hour training.

Para sa mga gustong magpatala na wala pang MODeL account, sundin lang mga sumusunod na hakbang:

1. Fill out the registration form: https://url.upou.edu.ph/upoumodel-signup

NOTE: We create accounts in bulk every Thursday, with a weekly cut-off at 4 PM on Wednesday. Requests after the cut-off will be processed the next week. 

2. Once you receive your login details, sign in to your account.

3. Change your password to something secure.

Samantala, sa mga aplikante namang nakagawa na ng MODeL account, itala lang ang sarili sa mga kursong tampok sa website homepage na ito: https://model.upou.edu.ph/