January 10, 2025

Home BALITA National

Tinatayang 70% ng mga barangay sa bansa, 'drug free' sa ilalim ng Marcos admin—PDEA

Tinatayang 70% ng mga barangay sa bansa, 'drug free' sa ilalim ng Marcos admin<b>—PDEA</b>
Photo courtesy:PDEA, Bongbong Marcos/Facebook

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa 70% na raw ng mga barangay ang umano’y “drug free” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Ayon sa PDEA nitong Huwebes, Enero 9, 2025, tinatayang 29,390 barangay na raw ang “drug free” mula sa kabuuang bilang na 42,000 barangay sa buong Pilipinas. 

Kinikilalang “drug free” umano ang isang barangay kapag ito ay pumasa raw sa Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation 4 Series of 2021 o mas kilala raw sa tawag na “Sustaining the Implementation of BDCP and Repealing for Such Purpose Board Regulation No. 3 Series of 2017.”

Samantala, nilinaw din ng naturang ahensya na nasa 6,113 pang barangay o katumbas ng 14.55% ang nanatili pa raw na “drug-affected” na nangangahulugan umanong may mga pusher, drug user at drug protector pa raw sa nasabing mga barangay.

National

Mary Jane Veloso, nagdiwang ng ika-40 kaarawan; 'clemency,' muling hiniling ng ilang taga-suporta

Umaasa rin umano ang ahensya na mapupuksa na raw ng tuluyan ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa taong 2030.