January 10, 2025

Home BALITA Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900—Red Cross

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900<b>—Red Cross</b>
Photo courtesy: via Leanne Baldelovar/Manila Bulletin, PRC/Facebook

Kinumpirma ng Philippine Red Cross na umabot sa tinatayang 900 indibidwal ang kinailangang bigyan ng kaukulang atensyong medikal sa kasagsagan traslacion ng Jesus Nazareno nitong Huwebes, Enero 9, 2025.

Ayon sa ulat ng GMA News, tinatayang nasa 100  katao ang Red Cross volunteers na naka-deploy sa Maynila nitong 1:00 ng umaga, Enero 10 , matapos abutin ng mahigit 20 oras ang traslacion bago tuluyang makapasok ng Basilica Menor at Pambansang Dambana ng Jesus Nazareno sa Quiapo.

Batay sa datos ng Red Cross, nasa 917 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na kinakailangan ng atensyon medikal kung saan 446 sa mga ito ay nangailangan ng vital signs monitoring, 412 naman ang naitala ng minor assistance habang 9 naman ang ginamot dahil umano sa major injuries at 30 ang isinugod sa ospital.

Samantala, naglabas din ng bilang ang Nazareno Operations Centers nitong 3:00 ng umaga kung saan nakapagtala sila ng 112 na mga nangangailangan ng tulong-medikal mula sa Quirino Grandstand, habang 93 naman ang kanilang naitala mula sa Central at 333 mula sa Quiapo church.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion