January 17, 2025

Home BALITA Probinsya

Estudyanteng 'di umano'y may kasong 'rape,' patay matapos buweltahan ng kaanak ng biktima!

Estudyanteng 'di umano'y may kasong 'rape,' patay matapos buweltahan ng kaanak ng biktima!
Photo courtesy: Pexels

Dead on arrival na nang maisugod sa ospital ang isang 22 taong gulang na criminology student matapos barilin umano nang malapitan sa isang tindahan sa Barangay Quinabigan, Pinamalayan, Oriental Mindoro, nitong Huwebes ng gabi, Enero 9, 2025.

Ayon sa ulat ng ilang local media outlets, nagkaroon daw ng komprontasyon ang biktima at suspek bago ito tuluyang nauwi sa pamamaril. 

Ang naturang estudyante ay may atraso umano sa pamangkin ng suspek na umano’y kaniyang ginahasa. Batay sa hepe ng Pinamalayan Municipal Police Station na si Police. Lt.Col. Joel Paningbatan, nangyari ang krimen bandang 8:30 ng gabi nang paputukan ng suspek ang biktima gamit ang isang caliber 45.

“Ito yung rapist sabi ng suspek, nagkaroon ng pagtatalo tapos yun binaril na,” ani Paningbatan.

Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>

Samantala, nagkasa na raw ng manhunt operation ang mga awtoridad upang matimbog ang suspek.