May komento ang social media personality na si Xian Gaza tungkol sa paghahain ng kaso ng "Eat Bulaga" host-comedian na si Vic Sotto laban sa direktor na si Darryl Yap kaugnay ng teaser ng upcoming movie na “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Nitong Huwebes nang magtungo si Sotto kasama ang asawa niyang si Pauleen Luna sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) upang isampa ang 19 counts ng cyber libel laban kay Yap sa Office of the Prosecutor sa Muntinlupa.
MAKI-BALITA: Vic Sotto, sinampahan na ng kaso si Darryl Yap kaugnay ng ‘Pepsi Paloma’ movie trailer
Sa isang Facebook post, sinabi ni Gaza na sana raw linawin na rin ni Sotto kung ano ba talaga nangyari noon.
"Nag-file ng libel case si Vic Sotto against Darryl Yap dahil sa pelikula nito about Pepsi Paloma. Sana sa pagsama ng kaso eh linawin na rin ni Bossing Vic kung ano nga ba talaga ang nangyari. 'Yan kasi ang question mark from Boomers to Gen. Z. Totoo po ba?" saad ni Gaza.
Dagdag pa niya, kung hindi naman daw totoo sana ay binigyang-linaw na raw agad.
"Kung hindi naman pala totoo eh bigyang-linaw na sana agad. Hindi yung pinatagal pa ng tatlong dekada. Nadamay pa tuloy yung ibang henerasyon. Para sana makatulog na tayong lahat ng mahimbing. Ang hirap maging mosang sa totoo lang," saad ng social media personality sa comment section.
"Imagine, 32 years old na ko this year. Hindi pa ko buhay nung nangyari yan. Binabagabag kaming lahat nito, Bossing. We deserve to know the truth! Ibalik mo po yung peace of mind ng mga mosang. Ano po ba talaga ang nangyari? Paki-post ang picture niyong dalawa with mahabang caption para matapos na po once and for all. Hirap na hirap na kami sa totoo lang. Patulugin mo kami utang na loob," dagdag pa niya.
Kaugnay nito, sa panayam ng mga mamamahayag ay iginiit ni Sotto na wala umanong personalan ang pagsasampa niya ng reklamo.
“A lot of people have been asking me: ‘Anong reaction mo.’ Ito na po ‘yun. Ito na po ‘yung reaction ko,” ani Sotto.
“Sabi ko nga walang personalan ito. I just trust in our justice system. Ako’y laban sa mga iresponsableng tao, lalo na pagdating sa social media,” saad pa niya.
MAKI-BALITA: