January 09, 2025

Home BALITA National

Traslacion ng mga deboto ng Nazareno, isang testamento ng pagkakaisa – PBBM

Traslacion ng mga deboto ng Nazareno, isang testamento ng pagkakaisa – PBBM
(Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB; John Louie Abrina/MB)

Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Katolikong Pilipino sa bansa sa gitna ng Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno nitong Huwebes, Enero 9, 2025.

“I join all the Catholic Filipinos in the Philippines as we observe the Feast of the Black Nazarene. It is this historic tradition, founded in great devotion, that puts into our mind the strength that allows us to find harmony in our faith as a people,” ani Marcos sa isang pahayag.

“Truly, the carrying of the Black Nazarene and His own cross reminds us of the great sacrifice our Lord and Savior went through in His life. Moreover, it also speaks of the immense power and compassion of God who walks with us and hears our prayers, especially in our time of need,” dagdag niya.

Ayon din sa pangulo, isang testamento ang Traslacion, kung saan nagtitipon-tipon ang mga deboto sa Maynila, ng solidaridad at pagkakaisa ng mga Pilipino.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

“Let us remember that we are all called to hurdle the challenges that test our resolve with faith and grace as well as to reach out to those around us who need our kindness and empathy,” aniya.

Hiniling din ni Marcos na nawa’y patibayin daw ng pagdiriwang ang bawat deboto na sumasama sa prusisyon upang magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa Diyos at magkaroon ng isang mas mataas na layunin sa paglilingkod sa kanilang kapwa.

“I am confident that we are able to epitomize the example of the Nazarene in our daily walks in this world as hope bearers, peacemakers, and builders of society who will change their respective communities with one good deed at a time,” saad ng pangulo.

“I wish everyone a meaningful celebration.”