Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Southern Leyte nitong Huwebes, Enero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:12 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Hinunangan, Southern Leyte, na may lalim na 4 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Hinunangan, SOUTHERN LEYTE
Intensity IV - Sogod, SOUTHERN LEYTE
Intensity I - Maasin, SOUTHERN LEYTE
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit posible raw magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.