January 10, 2025

Home BALITA National

‘Palakas nang palakas ang suporta!’ Cendaña, ikinatuwa survey ukol sa impeachment vs VP Sara

‘Palakas nang palakas ang suporta!’ Cendaña, ikinatuwa survey ukol sa impeachment vs VP Sara
Rep. Perci Cendaña at Vice President Sara Duterte (file photo)

Nagpahayag ng pagkatuwa ang endorser ng unang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña hinggil sa naging resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Miyerkules, Enero 8.

Matatandaang sa inilabas na survey ng SWS, 41% ng mga Pilipino ang sang-ayon sa paghain ng grupo ng mga indibidwal ng impeachment complaint laban kay Duterte.

MAKI-BALITA: 41% ng mga Pinoy, suportado ang pagpapatalsik kay VP Sara – SWS

"We welcome the result of the latest SWS survey, which revealed that 41 percent of Filipinos support the impeachment of Vice President Sara Duterte," ani Cendaña sa isang pahayag nitong Huwebes, Enero 9.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

"This significant figure reflects the growing public consensus for her removal from office, driven by mounting frustrations over her questionable leadership and actions. It is a clear indication that the Filipino people are awakening to the urgent need for accountability among our highest officials.”

Giit pa sa kinatawan ng Akbayan sa Kamara, hindi lamang umano nagpapatunay ang survey sa lumalaking kawalan ng tiwala ng publiko sa bise presidente, kundi maging sa determinasyon daw ng mga itong panagutin ang mga makapangyarihan.

"This survey not only validates the growing distrust towards the Vice President but also highlights the Filipino people’s resolve to hold the powerful accountable. The momentum for justice is undeniable, and the call for truth and integrity in governance continues to gain strength," saad ni Cendaña.

"Palakas [nang] palakas ang suporta ng mamamayan sa impeachment ni VP Sara. Padami ng padami ang ebidensiya na nagtuturo sa kaniyang impeachable offenses. Kasabay nito, paliit nang paliit ang mundo ng mga Duterte—unti-unti na silang napapalibutan ng tawag ng hustisya at pananagutan. Ang araw ng pagharap nila sa batas ay nalalapit na," dagdag pa niya.

Matatandaang noong Disyembre 2, 20204 nang iendorso ni Cendaña ang unang impeachment complaint laban kay Duterte na inihain ng iba’t ibang civil society leaders ng bansa.

MAKI-BALITA: Patutsada ni Rep. Cendaña: VP Sara, regaluhan sana ni Santa sa Pasko ng ‘konsensya’

Habang isinusulat ito’y tatlo na ang nakahaing impeachment complaint laban kay Duterte sa Kamara, ngunit inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco kamakailan na maaari pang ihabol ang ikaapat na reklamong pagpapatalsik sa bise presidente.