Matapos magsampa ng kaso ni "Eat Bulaga" host-comedian Vic Sotto, iniatas ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang pag-isyu ng Writ of Habeas Data na nagpapatigil sa direktor na si Darryl Yap sa pagpo-post ng teaser videos at maging sa paglalabas ng upcoming film nitong "The Rapists of Pepsi Paloma."
Nitong Huwebes, Enero 9, nang magsampa ng 19 counts ng cyber libel si Sotto laban kay Yap kaugnay ng teaser ng trailer ng naturang pelikula.
MAKI-BALITA: Vic Sotto, sinampahan na ng kaso si Darryl Yap kaugnay ng ‘Pepsi Paloma’ movie trailer
“Before this Court is a verified Petition for Writ of Habeas Data filed by petitioner Marvic "Vic" Castelo Sotto, praying that this Court issue a Writ of Habeas Data,” nakasaad sa oder ng Muntinlupa RTC na inilabas ng ABS-CBN News.
“Finding the Petition sufficient in form and substance, let a writ of habeas data issue directing respondent Darryl Ray Spyke B. Yap to submit a verified return of the writ within five (5) days from receipt thereof in accordance with Section 10 of A.M. No. 08-1-16-SC,” dagdag pa.
Itinakda rin ng korte ang petisyon para sa summary hearing sa darating na Miyerkules, Enero 15, 2025 dakong 8:30 ng umaga upang matukoy umano ang merits ng petition.
“The parties are enjoined to present on that day their respective evidence pertaining to the Petition,” saad ng Muntinlupa court.
Habang isinusulat ito’y wala pa namang reaksyon si Yap sa naturang inilabas na order ng korte.