January 09, 2025

Home BALITA National

Amihan, shear line, nakaaapekto sa Metro Manila at iba pang bahagi ng PH ngayong Enero 9

Amihan, shear line, nakaaapekto sa Metro Manila at iba pang bahagi ng PH ngayong Enero 9
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy na umiiral ang northeast monsoon o amihan at shear line sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Enero 9, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang shear line, o ang linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, at Dinagat Islands.

Malaki naman ang tsansang magdadala ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.

Bukod dito, magdudulot din ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms naman ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng Mindanao dahil sa localized thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).