January 10, 2025

Home BALITA National

AFP chief Brawner, iginiit na hindi ‘military kudeta’ solusyon sa problema ng bansa

AFP chief Brawner, iginiit na hindi ‘military kudeta’ solusyon sa problema ng bansa
AFP chief General Romeo Brawner Jr. (Photo courtesy: SSg Ambay and PO3 Gonzales/PAOAFP via AFP FB page)

Sa gitna ng kaniyang panawagan para sa “electoral integrity” sa nalalapit na 2025 midterm elections, iginiit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na hindi “military kudeta” ang solusyon sa problema ng bansa.

Sa isang press conference nitong Huwebes, Enero 9, hinikayat ni Brawner ang mga Pilipinong magtiwala sa demokratikong proseso at gamitin ang eleksyon upang iboto ang mga lider na tunay na tutugon sa mga isyung panlipunan para sa ikauunlad ng bansa.

"Maraming mga problema ang ating bayan, minsan ang naiisip na lang nilang solusyon ay ang military kudeta or military junta. Hindi po ito ang solusyon,” giit ni Brawner.

"Our call to the people is to use this election as a platform to express our desires by voting for the right individuals who will serve the country and our society," saad pa niya.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang tungkol sa kudeta sa hanay ng militar sa gitna ng inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives.

Samantala, matatandaan ding ipinahayag ng AFP noong Nobyembre 2024 na mananatili silang “loyal” sa Konstitusyon at Chain of Command matapos ang naging pagbabanta ni Vice President Duterte laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon