Isang 4.3-magnitude na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng probinsya ng Tawi-tawi dakong 12:08 ng tanghali nitong Huwebes, Enero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 354 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sapa-sapa, Tawi-tawi, na may lalim na 87 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.