January 10, 2025

Home BALITA National

41% ng mga Pinoy, suportado ang pagpapatalsik kay VP Sara – SWS

41% ng mga Pinoy, suportado ang pagpapatalsik kay VP Sara – SWS
Vice President Sara Duterte (Ellson Quismorio/ MANILA BULLETIN)

Tinatayang 41% ng mga Pilipino ang sang-ayon sa paghain ng grupo ng mga indibidwal ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara, ayon sa inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa Fourth Quarter 2024 survey ng SWS, 35% naman ang tutol sa reklamong pagpapatalsik sa bise presidente.

Nasa 19% naman ang “undecided” habang 5% ang hindi pa alam ang isyu kaya’t hindi pa raw makapagbigay ng opinyon hinggil sa kung sang-ayon sila o tutol sa impeachment complaint laban kay Duterte.

Kaugnay nito, 47% daw ng mga Pinoy ang nagsabing alam nila ang isyu ng reklamong pagpapatalsik kay Duterte bago pa man sila tanungin sa survey habang 53% ang nagsabing nalaman lang nila ito sa gitna ng interview ng SWS.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

Samantala, tinanong din ng SWS ang mga respondent kung “alin sa mga sumusunod na paratang ang maaaring basehan sa pag-impeach kay Bise-Presidente Sara Duterte?”

“To this, 46% answered Unexplained spending of confidential and intelligence funds by the Office of the Vice President and the Department of Education, making it the most cited allegation that may be the basis for impeaching Vice-President Duterte,” anang SWS.

Nasa 36% naman daw ng mga Pinoy ang nagsabing ang batayan sa pag-impeach kay Duterte ay ang hindi niya pagsagot sa mga imbestigasyon hinggil sa umano’y maling paggamit ng confidential and intelligence funds at 25% ang dahil sa umano’y “ill-gotten wealth na hindi naipaliwanag sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sumunod sa mga binanggit na dahilan ng mga Pinoy ang naging pagbabanta raw ni Duterte sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez (24%), at maging ang pagkasangkot umano niya sa extrajudicial killings sa ilalim ng kaniyang naging pamamahala noong siya pa ang alkalde ng Davao City (23%).

“Other responses were Her failure to condemn China's aggressive actions in the West Philippine Sea (13%), Her display of lack of self-control, for example, she let her emotions get the better of her during a press conference where she continuously criticized Pres. Bongbong Marcos and said she wanted to behead him (12%), Her trip to Germany during the onslaught of Typhoon Carina (11%), Ordering her subordinates to prepare accomplishment reports on the distribution of confidential and intelligence funds, supported by fabricated receipts and documents (11%). Seventeen percent did not choose any of the pre-listed responses,” saad pa ng SWS.

Isinagawa raw ang nasabing survey mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 2,160 Pinoy na may edad 18 pataas sa bansa, kung saan 1,080 dito ang mula sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), at tag-360 respondents sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.