Magsasampa raw ng reklamo si "Eat Bulaga" host-comedian Vic Sotto laban sa direktor na si Darryl Yap, kaugnay sa pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma.
Batay sa ulat ng News 5, ihahain ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court, bukas ng Huwebes, Enero 9, ayon sa legal counsel ni Sotto.
Nauna nang sinabi ng direktor na hindi pa siya sigurado kung magso-sorry siya kay Vic matapos mabanggit ang pangalan nito sa teaser 1 ng pelikula.
Saad niya sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Enero 6, "About Sir Vic Sotto, I’m not sure whether to offer an apology for his name being mentioned in the film."
"The truth, after all, is unapologetic."
"As a public figure tied to a public story, I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface."
"My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts."
"I trust that those who will watch the film will see it for what it is: an attempt to shed light on a controversy that refuses to be forgotten," aniya.
Matatandaang nagulat ang mga netizen matapos masambit ang pangalan ng host sa linyahan sa trailer nina Gina Alajar at Rhed Bustamante, na gaganap nilang Charito Solis at Pepsi Paloma.
"Ipaliwanag mo sa akin, magsabi ka sa akin, ipaliwanag mo dahil hindi ko naiintindihan! Pepsi sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?" tanong ni Gina kay Rhed.
"Oo!" mariing sagot ni Rhed.
Pagkatapos nito, ang sumunod na mababasa ay "NAGSAMPA NG KASONG RAPE SI PEPSI PALOMA LABAN KAY VIC SOTTO NOONG AUGUST 17, 1982."
MAKI-BALITA: Vic Sotto, trending matapos mabanggit sa teaser ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'
Dalawampu't anim na segundo lamang ang itinagal ng teaser subalit nag-trending agad ang pangalan ni Vic Sotto at ni Pepsi Paloma tungkol dito.
Makikita rin ang teaser sa Facebook page na "VinCentiments." May pamagat ang teaser 1 na "LABAN O BAWI."
Ang "Laban o Bawi" ay patok na game segment noon ng Eat Bulaga, noong nasa GMA Network pa ang nabanggit na noontime show.
"Inakusahan ng Rape ni Pepsi Paloma si Vic Sotto atbp; subalit makalipas ang ilang kaganapan ay inurong nito ang demanda.
Bakit?" mababasa rito.
MAKI-BALITA: Darryl Yap, 'di sure kung magso-sorry kay Vic Sotto
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Yap tungkol sa balitang ito, bagama't ibinahagi mismo ng direktor ang balita patungkol dito sa kaniyang Facebook account.