January 09, 2025

Home BALITA National

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar
Photo courtesy: Nestojie Ligtas (FB) via Balita/via Pexels

Nakikitang hihina o babagsak umano ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollar kumpara sa iba pang currencies sa Asya ngayong 2025.

Batay sa ulat ng GMA Integrated News, sinabi ni HSBC economist for ASEAN Aris Dacanay na posibleng umabot sa ₱59 ang katumbas ng $1US ngayong taon, na posible pang umabot sa ₱60.

Posible raw itong mangyari sa pagsapit ng second quarter ng 2025. Epekto naman daw ito ng paglakas ng dolyar dahil sa pagkakapanalo ni US President Donald Trump.

“We do think it will depreciate beyond ₱59 at a timing, most probably, the risks are towards the second quarter of 2025,” pahayag ni Dacanay sa panayam sa kaniya ng media sa Taguig City.

National

VP Sara sa Nazareno 2025: ‘Pray for healing, wisdom, and guidance’

Dagdag pa niya, "We do think across the board, the $US will strengthen so all other Asian currencies will depreciate, but the Philippines will depreciate to a lesser extent and I do think it comes at the second quarter when the favorable seasonality actually diminishes."

Samantala, kaugnay pa rin sa usaping pampananalapi, naitalang umabot na sa ₱16T ang utang ng Pilipinas noong Nobyembre 2024.

MAKI-BALITA: Utang ng gobyerno, pumalo sa ₱16 trillion noong Nobyembre 2024