January 09, 2025

Home BALITA

Dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, sumuko na sa ICC?

Dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, sumuko na sa ICC?
Photo courtesy: House of Representatives, ICC/Facebook, Human rights watch/website

Inihayag ni Atty. Leila de Lima na nakalabas na raw ng bansa ang self-confessed member ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato at kasalukuyang nasa kustodiya na raw ito ng International Criminal Court (ICC).

Sa panayam ng TeleRadyo Serbisyokay de Lima nitong Martes, Enero 7, 2025, kinumpirma niya ang umano’y pagtestigo na raw ni Matobato hinggil sa kontrobersyal na kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga.

“Lumabas na siya, nakalabas na sa Pilipinas, at alam ko ay under the protective custody na rin ng ICC. Ang alam ko, base sa aking impormasyon, ay nakuha na rin siya kasi na-vet na siya, na-interview na siya,” ani De Lima.

Nilinaw din ni De Lima na nakalabas umano ng bansa si Matobato gamit ang “fake identity” dahil daw sa pagiging wanted nito.

National

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar

“Hindi ko naman alam kung mayroon siyang kaso dito sa Pilipinas, na mayroon siyang warrant of arrest. So we can assume kasi wala pa. Hindi pa natin na-coconfirm ‘yan I’m trying to confirm that even noong umalis na siya, I was trying to confirm that kung siya ba ay mayroon warrant of arrest. So kung walang warrant of arrest, walang legal impediment o whatsoever,” saad ni De Lima.

Samantala, kaugnay nito, nilinaw naman ni Executive Secretary Bersamin sa media nito ring Enero 7 na wala raw silang koneksyon kay Matobato. 

“Wala kaming masabi d’yan dahil we have no connection with Mr. Matobato. Whatever his purpose in going out, we cannot control that,” ani Bersamin.

Dagdag pa niya: “Hindi namin siya ini-encourage, hindi rin dini-discourage.”