January 10, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Abogado ni Rufa Mae: 'My client is a victim!'

Abogado ni Rufa Mae: 'My client is a victim!'
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG)/Screenshots from ABS-CBN News

Ipinagdiinan ng legal counsel ng Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto na wala siyang kasalanan at isa ring biktima ng inirereklamong "Dermacare."

Nagkusang sumuko ang Kapuso comedy actress sa mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng warrant of arrest na iniisyu sa kaniya, sa kasong isinampa naman laban sa kaniya sa Pasay court.

Sa ulat ng GMA News, Miyerkules, Enero 8, dumating sa Pilipinas si Rufa kasama ang kaniyang team kaninang madaling-araw at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pa lamang ay naghihintay na sa kaniya ang mga kinatawan ng NBI.

Sa panayam kay NBI Chief Jimmy De Leon, nakipag-ugnayan daw sa kanila ang abogado ni Rufa Mae para sa boluntaryong pagsuko nito.

Tsika at Intriga

Xian Gaza sa pagsampa ng kaso ni Vic kay Darryl: 'Sana linawin na rin kung ano ba talaga nangyari'

Sumailalim daw sa medico-legal si Quinto bago dalhin sa Pasay court.

Sa panayam naman ng ABS-CBN News kay Atty. Mary Louise Reyes, maging si Rufa Mae ay hindi pa raw nababayaran ng Dermacare kaya iyon daw ang aasikasuhin niya pagkatapos ng kasong kinahaharap ng kliyente.

Ayon pa sa abogado, sumama raw ang pakiramdam ng kliyente habang pinoproseso ang kaniyang bail requirements, dulot na raw marahil ng jet lag at ang mga emosyong kaakibat ng kaniyang pinagdaraanan ngayon, kahit na sabihing inosente pa raw si Rufa Mae.

Bumalik sa pasilidad ng NBI ang komedyante para magpa-check up sa doktor matapos makaranas ng pagkahilo at pagsusuka.

Bukas daw ay inaasahang mapoproseso na ang pagpiyansa ni Rufa Mae sa halagang ₱1.7M para sa kasong 14 counts ng paglabag sa Securities Regulation Code.

Sa eksklusibong panayam naman ng GMA Integrated News kay Rufa Mae, iginiit niyang inosente siya sa mga ibinibintang laban sa kaniya.

"Biktima din po tayo kaya lahat haharapin. Go, go, go, basta hinaharap. Saka hindi maganda kasi reputasyon na yung sinisira kaya humaharap ako para i-clear ko yung name ko, di ba?" aniya.

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto umuwi ng Pinas, sumuko sa NBI