Nag-react ang content creator at dating sports-related news presenter na si "Tito Mikee Reyes" sa pang-aakusa sa kaniya ng netizens na kinuha lang daw niya ang 13th month pay at Christmas bonus bago nagbitiw sa kaniyang trabaho sa flagship newscast ng TV5 na "Frontline Pilipinas."
Si Mikee o Tito Mikee ang sports news presenter ng nabanggit na newscast na katapat ng "TV Patrol" ng ABS-CBN at "24 Oras" ng GMA Network, sa pangunguna nina Cheryl Cosim, Jiggy Manicad, at Julius Babao. Si Jervi Wrightson, na unang sumikat bilang si KaladKaren Davila, ang siya namang presenter ng showbiz at entertainment news.
Mababasa sa Facebook post ni Mikee, "I RESIGNED FROM FRONTLINE. Thank you for the coolest year and a half, News5! "
"At yan ang mga pandiinang sports news today, it's your Sports Tito Mikee Reyes, Peace and Love!" "
Humamig naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"To more milestones and greener pastures (and doing what we really love, and what matters)!"
"Kinuha lang yung 13th month at christmas bonus"
"So ibig sabihin wala na sya tv5?"
"Time is a priceless commodity. Iba pa rin yung flexible sched mo at nagagawa mo yung gusto mo roon sa prime hours ng araw mo. Looking forward sa iba mo pang content at sa mas maraming Shoot First episodes hehehe."
"For me lang naman ‘to, hehe, I think time management lang yung kulang. Kasi kung 5 hours lang kinakain ng oras nya sa TV5, and hindi naman yun everyday I guess, he can do content creation sa morning or sa weekend kahit ilang oras lang para may time pa sya sa family but it seems he wanted to focus more on content creation na talaga. Hehe, yun lang naman for me. Di ko siya kilala ha, based lang ‘to sa napanood ko sa podcast. But yeah, it is what it is. Hehe. I’m happy for you Tito Mikee, whatever your decision is, I understand you, support lang me sa ‘yo."
"Excited for what lies ahead for you Tito Mikee."
Sa kaniyang podcast na "Tito Thoughts," mapapanood at mapakikinggan sa episode 52 na may pamagat na "RESIGNED" ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang sports news presenter sa Frontline Pilipinas.
Aniya, sa kabila raw ng dami ng mga natutuhan, nakasalamuha, at naranasan sa pagiging bahagi ng nabanggit na newscast program, naging "painful" daw para sa kaniya ang pagbibitiw.
Ngunit kinailangan na raw niyang bitiwan ang trabahong iyon upang mas magpokus sa content creation.
Ang oras daw na nagugugol niya mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi sa TV5 ay puwede na raw niyang gamitin para sa paggawa ng content.
MAKI-BALITA: Mikee Reyes namaalam na sa Frontline Pilipinas, anyare?
Sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Enero 5, nilinaw ni Mikee na wala siyang natanggap na 13th month pay o Christmas bonus mula sa TV5.
Hindi raw kasi nakalagay sa kontrata niya na regular employee siya kundi talent lamang.
"Skl, walang 13th month or christmas bonus ang talent. Unless nasa contract nila na regular employee sila, per episode/project ang bayad. No work, no pay. Wala din kaming benefits. ," aniya.
"But this setup is perfect for us na ayaw nakatali. "
"Hope you learned something new today. " aniya pa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Yung tito mo na bawal biruin pagkatapos maubos ang bonus sa kakabigay ng pamasko"
"Tama naman si Tito Mikee pag talent talaga di cya tulad ng regular employee na may full benefits like 13th month pay etc. Per appearance basis talaga yan. Pros lng yan malaya ka unlike pag employee maraming stipulations. Good move sa part nyo and Good luck sa mga bagong ventures nyo."
"Sana all. Sana maging malaki din akong content creator soon. Salamat sa pag inspire Tito Mikee."
"Ang meron lang ang talent na katulad sa regular employees ay Bonus. Pero depende pa yun sa ratings ng show."
"umagang-umaga tapos may mababasa ka na ganyan haha, maiinis ka talaga eh"
"Ang hirap talaga magpasaya ng tao kahit 2025 na. Kahit ano pa gawin mo may sasabihin at sasabihin sila."
"hindi lahat ng may trabaho may 13th month and benefits. ung iba project based."
Ang 13th month pay ay mandatoryong benepisyo sa ilalim ng batas na katumbas ng isang buwang sahod at dapat ibigay bago ang Disyembre 24.
Samantala, ang Christmas bonus ay opsyonal at kusang-loob na insentibo mula sa employer bilang pasasalamat sa mga manggagawa. Nagkakaiba rin ang dalawa sa halaga ng perang maaaring matanggap ng empleyado.
BASAHIN: ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?