Patay ang isang turista matapos atakihin umano ng pinaliliguang elepante sa isang animal sanctuary sa Thailand nitong Lunes, Enero 6.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa Koh Yao Elephant Care Centre sa Phang Nga Province sa Southern Thailand.
Pinaliliguan ng 23-anyos na babae ang elepante nang suwagin siya nito gamit ang trunk o mahabang nguso, ayon sa mga awtoridad.
Nagtamo ng injury ang babae at kalauna'y namatay.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto, ayon sa mga ulat, na na-stress o nag-panic ang elepante habang nakikipag-interact sa mga bisita.
Ang pagpapaligo sa mga elepante ay isa sa mga sikat na tourist activity sa Thailand. Kung saan humigit-kumulang 2,800 na elepante ang ginagamit sa turismo ng naturang bansa, ayon sa World Animal Protection.