January 08, 2025

Home BALITA National

Sen. Bong Go, nakikiramay sa pamilyang naiwan ni Guarte

Sen. Bong Go, nakikiramay sa pamilyang naiwan ni Guarte
photos courtesy: Bong Go/FB

Nakikiramay si Senador Bong Go sa pamilyang naiwan ng pinaslang na atleta na si Mervin Guarte.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Enero 7, nagpasalamat si Go sa karangalang ibinigay ni Guarte sa bansa. 

"Maraming salamat sa karangalang ibinigay mo sa bansa bilang beteranong atleta, SEA Games multi-medalist, at Airman First Class sa Philippine Air Force. Hindi malilimutan ng mga kapwa mo Pilipino ang legacy na iniwan mo sa larangan ng sports," saad ng senador.

Kasunod nito ang pakikiramay ng senador sa pamilya ni Guarte.

National

Utang ng gobyerno, pumalo sa ₱16 trillion noong Nobyembre 2024

"Taos-puso kaming nakikiramay sa iyong mga naiwang pamilya at kaibigan. Blue skies and tailwinds, Mervin!"

Pumanaw nitong Martes ng madaling araw si Guarte matapos pagsasaksakin umano sa dibdib ng hindi pa nakikilalang salarin. 

BASAHIN: SEA Games medalist, patay sa saksak habang natutulog!

Matatandaang nasungkit ni Guarte noong 2023 ang gintong medalya sa SEA Games sa men’s team relay at nang sumunod na taon ay naiuwi niya ang kampeonato sa men’s beast 21 km sa ginanap na 2024 Spartan Asia Pacific Champion.

Bukod dito, nagsisilbi rin siya bilang miyembro ng Philippine Air Force na nakadestino sa Fernando Airbase, Lipa City.