Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na gawing "kalat-free" ang Traslacion 2025 na gaganapin sa Huwebes, Enero 9.
"Sa pista ng Itim na Nazareno, napakaraming tao ang nagtitipon-tipon, at kasabay nito ay ang pagdami ng basura sa Maynila," saad ng MMDA.
"Paalala: ang pagkakaroon ng malinis na Traslacion ay responsibilidad ng lahat ng dadalo," dagdag pa nila.
Nagbigay rin sila ng ilang hakbang upang maging kalat-free ang selebrasyon.
1. Gumamit ng reusable bag.
2. Magdala ng sariling tumbler o lalagyanan ng tubig.
3. Gumamit ng reusable containers o baunan.
4. Produktong hindi naka-pack sa plastic ang piliin.
5. Siguraduhing itapon ang kalat sa tamang basurahan.
6. Iwasan gumamit ng disposable na tinidor at kutsara.
7. Iwasan ang paggamit ng plastic straws.

Samantala, narito ang ruta ng Traslacion o ang pagprusisyon ng 400 taong gulang na imahen ni Hesukristo mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church
BASAHIN: ALAMIN: Ruta para sa Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno