Nakasamsam ang government anti-narcotics agents ng mahigit ₱72M shabu sa operasyong isinagawa sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Lunes, Enero 6.
Ayon umano sa inilabas na pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tinatayang nasa 10.706 kilo ang bigat ng nakumpiskang shabu na natagpuan sa Customs Exclusion Room ng International Arrival Area.
Base sa tag na nakalagay sa bagahe, galing daw ito sa Johannesburg, South Africa.
Patuloy namang gumugulong ang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng ilegal na gawain, ayon kay PDEA Regional Office National Capital Region Director Emerson R. Rosales.
Samantala, mapupunta naman sa PDEA Laboratory Service ang mga nakumpiskang shabu sa naturang airport.