January 09, 2025

Home BALITA National

Higit 9K na deboto ni Jesus Nazareno, nakiisa sa unang araw ng 'Pahalik'

Higit 9K na deboto ni Jesus Nazareno, nakiisa sa unang araw ng 'Pahalik'
(photo courtesy: John Louie Abrina/MB)

Dalawang araw bago ang Traslacion 2025, mahigit 9,000 na deboto ni Jesus Nazareno ang nakiisa sa unang araw ng "Pahalik," na kasalukuyang ginaganap sa Quirino Grandstand ngayong Martes, Enero 7.

Ayon sa impormasyon mula sa Nazareno. Operation Center, nasa 9,404 na mga deboto ang nakiisa sa "Pahalik," mula Lunes, Enero 6 (7:00 p.m.) hanggang Martes, Enero 7 (4:00 p.m.).

Nagsimula sa "Pahalik" sa imahen ni Jesus Nazareno ngayong Enero 7 na tatagal hanggang Enero 9, bago ang prusisyon.

Samantala, narito ang ruta ng Traslacion o ang pagprusisyon ng 400 taong gulang na imahen ni Hesukristo mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

National

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar

BASAHIN: ALAMIN: Ruta para sa Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno