January 08, 2025

Home BALITA

Albay Rep. Salceda, naghain ng bill para maibalik ABS-CBN franchise

Albay Rep. Salceda, naghain ng bill para maibalik ABS-CBN franchise
Photo courtesy: via MB/ABS-CBN

Naghain ng bill si Albay Representative Joey salceda upang ma-grant ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN Corporation, na napaso noong 2020 matapos hindi pagbigyan ng Committee on Legislative Franchises sa Kamara. 

Photo courtesy: Joey Salceda (FB)

Ang nabanggit na bill ay House Bill No. 11252 na may pamagat na "An Act Granting The ABS-CBN Corporation (Formerly ABS-CBN Broadcasting Corporation) A Franchise To Construct, Install, Operate, and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations In The Philippines, And Other Purposes."

Mababasa rito na pinatotohanan daw ng Securities and Exchange Commissions (SEC) at Bureau of Internal Revenues (BIR) sa naganap na house deliberations na wala silang nilabag na ownership restrictions at walang pananagutan sa hindi pagbabayad ng buwis. 

Ang pagkawala ng prangkisa noong 2020 ay sumabay rin daw sa pagkawala ng trabaho ng halos 11,000 empleyado, na kasagsagan pa sa pandemya ng Covid-19. 

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Isa pang bagay, ang malawak na reach ng estasyon lalo na sa regional networks ay napagkukunan daw ng mga balita at updates lalo na sa tuwing may kalamidad na nakatutulong sa disaster risk strategies ng lokal na pamahalaan. 

"Given the merits of renewing the franchise, as well as the clarifications made by government agencies over certain allegations against the grantee, this representation urges Congress to reconsider the non-renewal of the franchise by the previous Congress," mababasa pa.

Samantala, sa mga nagdaang panayam kay ABS-CBN President Carlo Katigbak, nasabi niyang hindi sa pagkuha ng bagong prangkisa ang tinatahak ngayon ng giant broadcast network kundi ang pagiging isang content provider. 

Ilang shows ng Kapamilya Network ang umeere ngayon sa iba't ibang free TV channels gaya ng A2Z Channel 11, TV5, ALLTV, at GMA Network. 

Sa kasalukuyan, ang Channel 2 frequency na nakatalaga noon sa ABS-CBN ay nasa ALLTV.