Dahil sa mainit na suporta at hiling ng publiko, pinalawig na lubos ang kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagpapalabas ng mga opisyal na pelikula nito hanggang Enero 14, 2025, sa ilang piling mga sinehan.
Sa Facebook post ng MMFF nitong Lunes, Enero 6, 2025, inanunsyo nila na opisyal na extended ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2024 hanggang Enero 14.
Batay sa pahayag ni Atty. Don Artes, Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Overall Chairman, na mababasa sa post ng MMFF, na lubos ang kanilang pasasalamat sa walang sawang pagtangkilik ng mga Pilipino sa ika-50 edisyon ng MMFF.
Orihinal na nakatakdang magtapos ang festival sa Enero 7, subalit sa bisa ng extension, maaari pang mapanood ang mga pelikula hanggang Enero 14 gamit ang MMFF complimentary passes.
“We, at the MMFF, are overwhelmed with the continued support of the public for the festival’s 50th edition. Due to public clamor, we have decided to extend the theatrical run of the MMFF movies to further showcase the locally produced films that are truly impressive and artistically excellent,” pahayag ni Artes.
Umaasa rin ang MMDA na magpapatuloy ang pagtaas ng kita ng MMFF ngayong taon. Ang kita mula sa MMFF ay napupunta sa mga institusyong tumutulong sa industriya ng pelikula tulad ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Layunin ng MMFF na patuloy na itaguyod at palakasin ang industriya ng pelikulang Pilipino, na siyang simbolo ng sining at kultura ng bansa.
Sampu ang opisyal na entry sa MMFF 2024 mas marami kumpara sa mga walong pelikulang naka-line up noong mga nakaraang taon.
Mariah Ang