January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Inangkin daw kasi: Vice Ganda, dumila sa It's Showtime dahil kay Sofronio Vasquez

Inangkin daw kasi: Vice Ganda, dumila sa It's Showtime dahil kay Sofronio Vasquez

Usap-usapan ang pagbelat o pagdila ni Unkabogable Star Vice Ganda sa noontime show na "It's Showtime" matapos ang pagbisita ni "The Voice USA" Season 66 grand winner Sofronio Vasquez para magbigay ng pangmalakasang opening number at homecoming na rin para sa kaniya.

Nakasama ni Sofronio sa kaniyang performance ang OPM artists na sina Darren Espanto, Nyoy Volante, Klarisse De Guzman, at Yeng Constantino.

Sinamahan din siya ng mga nagwagi sa "Tawag ng Tanghalan" kung saan nagsimula si Sofronio bilang contestant at kalaunan ay voice coach.

Buong damdaming inawit ni Sofronio ang kaniyang winning piece na "A Million Dreams" na isa sa mga soundtrack ng pelikulang "The Greatest Showman."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matapos ang kaniyang performance ay kinapanayam naman si Sofronio ng hosts na sina Vhong Navarro at Vice Ganda. Nagpasalamat si Vhong kay Sofronio matapos daw tuparin ang kaniyang pangakong uunahin niyang balikan ang TNT kapag umuwi siya sa Pilipinas.

Ipinaliwanag naman ni Sofronio na malaki raw ang utang na loob niya sa It's Showtime dahil dito nga siya nagsimula; at hindi raw natapos ang kaniyang journey sa pagiging contestant kundi kinuha rin siyang voice coach.

Sinabi ni Vice Ganda na marami raw nambash sa Showtime dahil inangkin daw nila si Sofronio, matapos ang tagumpay niya sa The Voice USA.

"Ang daming nagtalakan sa Showtime sa Twitter, 'Ngayon pinapansin n'yo si Sofronio,' 'Ngayon inaangkin n'yo si Sofronio kung maka-our very own kayo diyan,'" sey ni Vice Ganda.

"Hindi naman po nila alam na hindi naman po tumigil 'yong pangarap ko sa competition, 'yong Showtime po 'yong mismong nagbigay sa akin ng trabaho, ginawa po nila akong vocal coach kaya maraming salamat po," segunda naman ni Sofronio.

"Yes, after niya mag-TNT, kahit hindi siya nagtagumpay dito, he stayed. Naging vocal coach siya ng mga contestant sa Tawag ng Tanghalan. Hindi ninyo alam 'yon, kaya talagang pamilya siya, kaya..." sey ni Vice Ganda sabay labas ng dila para sa bashers.

"Pinag-awayan nila 'yan online!" giit ni Vice Ganda sabay dila pa ulit.

"We are very proud that you are part of this family, we love you very much!" saad pa ni Vice Ganda kay Sofronio.

Samantala, naghandog naman ng tropeo si Ogie Alcasid para kay Sofronio, na mula raw sa OPM artists, dahil sa karangalang binitbit niya hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat ng mga Pilipino.